Thursday, March 18, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Marso 21, Ikalimang Linggo ng Kuwaresma: Juan 12:20-33


Mabuting Balita: 
Juan 12:20-33
20 May ilang mga Griyego sa mga umahon para sumamba sa Piyes­ta. 21 Kaya lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida ng Galilea at ipina­kiusap sa kanya: “Ginoo, gusto naming makita si Jesus.” 22 Pinuntahan at sinabihan ni Felipe si Andres. Pinun­tahan naman at sinabihan nina Andres at Felipe si Jesus. 

23 Sumagot si Jesus sa kanila: “Duma­ting na ang oras para luwalha­tiin ang Anak ng Tao. 24 Talagang-talagang sina­sabi ko sa inyo, nama­malaging nag-iisa ang butil ng trigo kung hindi ito nama­matay pag­kahulog sa lupa. Ngunit kung mama­tay ito, nagdudulot ito ng mara­ming bunga. 

25 Nagpapahamak ng kanyang sarili ang umiibig dito ngunit iingatan naman ito para sa buhay magpakailanman ng napopoot sa kanyang sarili sa mun­dong ito. 26 Patuloy akong sundan ng nagli­lingkod sa akin at kung nasaan ako, naroon din ang aking lingkod. Kung may nagli­­lingkod sa akin, parara­ngalan siya ng Ama. 

• 27 “Ngayo’y nababagabag ang aking kalu­luwa. Sasabihin ko bang ‘Ama, iligtas mo ako sa hatid ng oras na ito? Ngunit dahil dito kaya ako sumapit sa oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong Panga­lan.” Kaya may tinig na nagmula sa langit: “Niluwalhati ko at muli kong lulu­­wal­ha­tiin.” 29 Kaya pagkarinig ng mga taong naroon, sinabi nila: “Ku­mulog!” Sinabi naman ng iba: “Nangu­sap sa kanya ang isang anghel.” 

30 Sumagot si Jesus: “Hindi alang-alang sa akin kaya ito ipinarinig kundi alang-alang sa inyo. 31 Ngayo’y paghu­hukom sa mun­dong ito; ngayon itataboy palabas ang pinuno ng mun­dong ito. 32 At kapag itinaas ako mula sa lupa, hihila­hin ko sa akin ang lahat.” 33 Sinabi niya ito para bigyang-tanda ang uring kamatayang ikamamatay niya.

No comments: