23 Sumagot si Jesus sa kanila: “Dumating na ang oras para luwalhatiin ang Anak ng Tao. 24 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, namamalaging nag-iisa ang butil ng trigo kung hindi ito namamatay pagkahulog sa lupa. Ngunit kung mamatay ito, nagdudulot ito ng maraming bunga.
25 Nagpapahamak ng kanyang sarili ang umiibig dito ngunit iingatan naman ito para sa buhay magpakailanman ng napopoot sa kanyang sarili sa mundong ito. 26 Patuloy akong sundan ng naglilingkod sa akin at kung nasaan ako, naroon din ang aking lingkod. Kung may naglilingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.
• 27 “Ngayo’y nababagabag ang aking kaluluwa. Sasabihin ko bang ‘Ama, iligtas mo ako sa hatid ng oras na ito? Ngunit dahil dito kaya ako sumapit sa oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong Pangalan.” Kaya may tinig na nagmula sa langit: “Niluwalhati ko at muli kong luluwalhatiin.” 29 Kaya pagkarinig ng mga taong naroon, sinabi nila: “Kumulog!” Sinabi naman ng iba: “Nangusap sa kanya ang isang anghel.”
30 Sumagot si
Jesus: “Hindi alang-alang sa akin kaya ito ipinarinig kundi alang-alang sa
inyo. 31 Ngayo’y paghuhukom sa mundong ito; ngayon itataboy palabas ang
pinuno ng mundong ito. 32 At kapag itinaas ako mula sa lupa, hihilahin
ko sa akin ang lahat.” 33 Sinabi niya ito para bigyang-tanda ang uring
kamatayang ikamamatay niya.
No comments:
Post a Comment