5 Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 6 Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.
7 At may ulap na lumilim sa kanila. At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.” 8 At biglang-bigla, pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Jesus na kasama nila.
9 At pagbaba nila mula sa bundok,
inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang makabangon
ang Anak ng Tao mula sa mga patay. 10 Iningatan nila ang bagay na ito sa
kanilang sarili pero nagtanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga
patay.
No comments:
Post a Comment