5 May ilan namang nag-uusap tungkol
sa Templo, at sinabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti.
Sinabi naman ni Jesus: 6 “Darating ang mga araw na walang matitirang
magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.”
7 Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda
na sumapit na ito?”
8 Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. 9 Sa pagkabalita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.”
10 At sinabi niya sa kanila:
“Magdidigmaan ang mga bayan at maglalaban-laban ang mga kaharian. 11 Magkakaroon
din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon
ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa langit.
No comments:
Post a Comment