Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, November 23, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 24 Martes San Andres Dung –Lac, pari at mga kasama, mga martir (Paggunita) Lucas 21:5-11

 

Mabuting Balita: Lucas 21:5-11
5 May ilan namang nag-uusap tung­kol sa Templo, at sinabi nila na may maga­gandang bato ito at mamahaling pala­muti. Sinabi naman ni Jesus: 6 “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” 7 Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mang­ya­yari at ano ang tanda na sumapit na ito?” 

8 Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aang­kin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang pana­hon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. 9 Sa pagkabalita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong mali­galig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” 

10  At sinabi niya sa kanila: “Magdi­digmaan ang mga bayan at magla­laban-laban ang mga kaharian. 11 Mag­kakaroon din ng malalakas na lindol sa ma­raming lugar, magkakaroon ng tag­gutom, mag­kakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kaba­­balaghan sa langit.

No comments:

Post a Comment