Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 7 Ipagpalagay nang may
katulong na nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Ano’ng
sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasabihin kaya niya:
‘Halika na’t dumulog sa hapag’? 8 Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo
ang aking pagkain; magbihis ka’t pagsilbihan ako habang kumakain ako’t
umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’
9 Dapat kaya kayong tumanaw ng utang-na-loob sa utusang iyon
dahil ginawa nito ang iniutos? 10 Gayundin naman sa inyo. Pagkagawa
ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami;
ginawa lang namin ang dapat naming gawin’.”
No comments:
Post a Comment