Mabuting
Balita: Mateo 15:21-28
21 Pumunta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. 22 May
isang babaeng Kananea noon na nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon,
anak ni David, maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong
babae.” 23 Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga
alagad at hiniling ng mga ito: “Paalisin mo na siya’t sigaw siya nang sigaw sa
likod natin.”
24 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng
Israel ako sinugo.” 25 Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni
Jesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” 26 Sumagot si Jesus: “Hindi
tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” 27 Sumagot
ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga
nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya nagsalita sa kanya
si Jesus: “Babae, napakalaki ng iyong pananalig! Maganap sa iyo ayon sa
nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.
No comments:
Post a Comment