Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, August 04, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 5, Miyerkules sa Ika-18 Linggo ng Taon: Mateo 15:21-28


Mabuting Balita: Mateo 15:21-28 
21 Pumun­ta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. 22 May isang babaeng Kananea noon na nag­punta sa dakong iyon at sumigaw: “Pangi­noon, anak ni David, maawa ka sa akin! Pina­hihirapan ng isang demon­yo ang anak kong babae.” 23 Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito: “Paalisin mo na siya’t sigaw siya nang sigaw sa likod natin.”

24 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” 25 Ngunit lumapit ang babae at lumu­hod sa harap ni Jesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” 26 Sumagot si Jesus: “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” 27 Su­ma­got ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya nagsalita sa kanya si Jesus: “Babae, napakalaki ng iyong pana­­­­nalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.

No comments:

Post a Comment