Sunday, June 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 25, Huwebes; Ika-12 Linggo ng Taon: Mateo 7:21-29


Mabuting Balita: Mateo 7:21-29
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 21 Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ng ‘Panginoon! Panginoon!’ ay papasok sa kaharian ng Langit kundi ang nagsa­sagawa sa kalooban ng Diyos ang siyang papasok sa kaharian ng Langit. 22 Sa araw na iyon, marami ang magsasabing: ‘Pangi­noon, Panginoon, hindi ba kami nagsalita sa ngalan mo? Hindi ba nagpa­layas kami ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa ngalan mo?’ 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila nang walang paliguy-ligoy: ‘Hinding-hindi ko kayo kilala; lumayo sa akin kayong mga gumagawa ng masama.’

24 Kaya kung may nakikinig sa mga salita ko at sumusunod dito, matutulad siya sa isang matalinong nagtayo ng bahay sa batuhan. 25 Bumagyo at bumaha ang ilog at humangin nang malakas, ngunit hindi nagiba ang bahay sapagkat itinayo ito sa batuhan. 26 At ang sinumang nakakarinig sa aking mga salita at hindi nagsasagawa nito, matutulad siya sa isang hangal na nag­tayo ng bahay sa buhangin. 27 Bu­mag­yo at bumaha ang ilog at huma­ngin nang malakas, at bumagsak ang bahay at kay laking kapahamakan!

28 Nang matapos si Jesus sa mga pananalitang ito, nagulat ang mga  tao sa kanyang pangangaral 29 sapagkat na­ngaral siya nang may kapangyari­han, hindi gaya ng kanilang mga guro ng Batas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: