Monday, June 29, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 2, Huwebes; Ika-13 Linggo ng Taon: Mateo 9:1-8


Mabuting Balita: Mateo 9:1-8
1 Muling sumakay sa bangka si Jesus, tumawid sa lawa at bu­malik sa sariling bayan. 2 Dinala sa kanya roon ang isang paralitikong nakahiga sa papag. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

3 Noo’y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito ang Diyos.” 4 Alam ni Jesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? 5 Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? 6 Dapat n’yong mala­man na may kapang­yarihan sa lupa ang Anak ng Tao na mag­pa­tawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa parali­tiko: “Buma­ngon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” 7 At buma­ngon ang tao at umuwi. 8 Nang makita naman ito ng mga tao, napuno sila ng pagkamangha at nagpuri sa Diyos sa pagbibigay ng gayong kapangyarihan sa mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: