Saturday, May 9, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 11, Lunes sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 14:21-26


Mabuting Balita: Juan 14:21-26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 21 Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nag­ma­mahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipamamalas ko sa kanya ang aking sarili.”

22 Sinabi sa kanya ni Judas, hindi ang Is­kariote: “Panginoon, paano mangyaya­ring sa amin mo ipama­malas ang iyong sarili at hin­di sa mundo?” 23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya: “Kung may nag­ma­mahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupun­tahan namin siya at sa kanya kami gaga­wa ng silid para sa aming sarili. 24 Hindi naman isinasaka­tuparan ng hindi nagmamahal sa akin ang aking mga salita. At hindi sa akin ang salitang naririnig n’yo kundi sa Amang nagpadala sa akin.

25 Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang namamalagi pa akong kasama ninyo. 26 Ituturo naman sa inyo ng Tagapag­tanggol ang lahat – ang Espiritu Santong ipadadala ng ama sa ngalan ko – at ipaa­ala­ala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: