Wednesday, May 6, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 10, Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 14:1-12



Mabuting Balita: Juan 14:1-12
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 1 Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. 2 Mara­ming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: “Pupunta ako upang ipag­handa kayo ng lugar.” 3 At pag pumunta na ako at naipag­handa kayo ng lugar, muli akong darating at dadalhin ko kayo sa akin upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo.

4 At alam n’yo ang daan sa pupun­tahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas: “Pangi­noon, hindi namin alam kung saan ka pu­punta. Paano namin malalaman ang daan?” 6 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit ngayon, kilala n’yo na siya at nakita ninyo siya.”

8 Sinabi sa kanya ni Felipe: “Pangi­noon, ipakita mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” 9 Sinabi sa kanya si Jesus: “Ang tagal na panahon n’yo akong kasa­ma at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pag­ka­kita sa akin ninu­man, ang Ama ang naki­kita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’?

10 Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang  mga salitang bini­bigkas ko. Sa akin nanu­nuluyan ang Ama, at siya ang guma­gawa ng kanyang mga gawa. 11 Mani­wala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa.

12 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin niya. Sapagkat sa Ama ako papunta.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: