Tuesday, April 28, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Abril 29, Miyerkules; Santa Catalina ng Siena, dalaga at pantas ng Iglesia: Juan 6:35-40


Mabuting Balita: Juan 6:35-40
35 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako siyang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hinding-hindi mauuhaw ka­ilanman ang nananalig sa akin. 36 Pero sinabi ko sa inyo: nakita n’yo, at hindi naman kayo naniniwala.

37 Lalapit sa akin ang bawat ibini­bigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko ipagtatabuyan sa labas ang luma­lapit sa akin. 38 Sa­pagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi para gawin ang aking kalo­oban kundi ang kalooban ng nagpadala sa akin.

39 Ito ang kalooban ng nagpadala sa akin: na huwag kong pabayaang ma­wala ang bawat ibinigay niya sa akin; sa halip ay itatayo ko ito sa huling araw. 40 Ito nga ang kalooban ng Ama ko: magkakaroon ng buhay magpakailan­man ang bawat pumapansin sa Anak at nananalig sa kanya, at itatayo ko siya sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: