Wednesday, February 26, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Marso 1, Unang Linggo ng Kuwaresma: Mateo 4:1-11


Mabuting Balita: Mateo 4:1-11
1 Dinala ng Espiritu si Jesus sa disyerto upang tuksuhin siya ng diyablo. 2 Pagkatapos ng apatnapung araw at apatnapung gabing di kuma­kain, nagutom si Jesus. 3 Kaya lumapit sa kanya ang demon­yo at sinabi: “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.”

4 Ngunit suma­got si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: Hindi sa tinapay lamang nabu­buhay ang tao kun­di sa bawat namumutawi sa bibig ng Diyos.” 5 Dinala naman siya ng diyablo sa Banal na Lunsod, inilagay siya sa naka­usling pader ng Templo, 6 at sinabi: “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka paibaba pagkat sinasabi ng Kasulatan: Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel para sa iyo.

Bubuhatin ka nila upang hindi matisod ang iyong paa sa bato.” 7 Suma­got si Jesus: “Ngunit ­sinasabi rin ng Kasu­latan: Huwag mong hamunin ang Panginoon mong Diyos.” 8 At agad na dinala ng diyablo si Jesus sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng bansa ng daigdig sampu ng kaya­manan at kada­kilaan ng mga ito.

9 At sinabi sa kanya: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung luluhod ka at sasamba sa akin.” 10 Kaya sumagot si Jesus: “Lumayo ka, Satanas! Sinasabi nga ng Kasulatan: Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos; siya la­mang ang iyong paglilingkuran.” 11 Kaya iniwan siya ng diyablo at luma­pit naman ang mga anghel at nag­lingkod sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: