Monday, January 20, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Enero 22, sa Ikalawang Linggo ng Taon: Marcos 3:1-6


Mabuting Balita: Marcos 3:1-6
1 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at mayroon ding gustong magsumbong tungkol kay Je­sus. 2 Kaya nagmasid sila at baka pa­galingin siya ni Jesus sa Araw ng Pa­hinga.

3 At sinabi naman niya sa taong hindi ma­igalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” 4 At saka niya sila tina­nong: “Ano ang ipina­hihintulot sa Araw ng Pa­hinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masa­ma, magligtas ng buhay o pumatay?” At di sila umimik.

5 Nalungkot si Jesus dahil sa kati­gasan ng kanilang puso kaya galit niyang tiningnan silang lahat, at sinabi sa lalaki: “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at guma­ling ito. 6 Pagkalabas ng mga Pariseo, naki­pag­tipon sila sa mga kakampi ni Hero­des para masiraan nila siya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: