Mabuting
Balita: Marcos 3:1-6
1 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki
na hindi maigalaw ang kamay, at mayroon ding gustong magsumbong tungkol kay Jesus.
2 Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga.
3 At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay:
“Tumindig ka sa gitna.” 4 At saka niya sila tinanong: “Ano ang ipinahihintulot
sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o
pumatay?” At di sila umimik.
5 Nalungkot si Jesus dahil sa katigasan ng kanilang puso kaya
galit niyang tiningnan silang lahat, at sinabi sa lalaki: “Iunat mo ang iyong
kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito. 6 Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni
Herodes para masiraan nila siya.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment