Mabuting
Balita: Mateo 15:29-37
29 Umalis doon si Jesus at pumunta sa pampang ng lawa ng Galilea,
at pagkaakyat sa burol ay naupo. 30 Maraming tao ang lumapit sa kanya,
dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may
iba’t ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa paanan ni Jesus, at pinagaling niya sila. 31 Kaya namangha
ang lahat nang makita nilang nagsasalita ang mga pipi, lumalakad ang mga
pilay, gumagaling ang mga may kapansanan at nakakakita ang mga bulag; kaya
pinuri nila ang Diyos ng Israel.
32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila:
“Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at
wala na silang makain. Ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa
daan.” 33 Sinabi ng mga alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng
sapat na tinapay sa ilang na ito para ipakain sa mga taong iyan?” 34 Sinabi
ni Jesus sa kanila: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito, at
kaunting maliliit na isda.”
35 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, 36 kinuha niya ang
pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati
niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad, at ibinigay rin nila sa
mga tao. 37 Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang
pira-piraso – pitong punong bayong.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.