Mabuting Balita:
Mateo 21:33-43
33 Noong panahong
iyon sinabi ni Jesus sa mga saserdote at matatanda ng bayan: May isang may-ari
ng bahay na nagtanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa
pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga
magsa-saka at naglakbay sa malayo. 34 Nang malapit na ang panahon ng anihan,
pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin
ang kanyang bahagi sa ani. 35 Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang
mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. 36 Nagpadala
uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon din ang ginawa ng mga
magsasaka sa kanila. 37 Sa bandang huli,
ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang
aking anak.’ 38 Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang
‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ 39
Kaya sinunggaban nila siya, at pinalayas sa ubasan at pinatay. 40 Ngayon,
pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” 41
Sinabi nila sa kanya: “Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon; pupuksain
niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng
kanyang kaparte sa anihan.” 42 At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa
Kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga taga¬pagtayo. Gawa
ito ng Panginoon; at kahangahanga ang ating nakita.’ 43 Kaya sinasabi ko sa
inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago
nito.
+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang corrupt ma
lider na nagnakaw ng milyon milyon sa mga taong kanya dapat pinagsisilbihan ng
tapat. Nang siya ay wala na sa kapangyarihan ang pumalit sa kanya ay isang
maayos na lider at siya ay pina imbestigahan. Di nag laon ay nadiskubre ang
kanyang kasakiman at siya ay nakulong.
May mga pagkakataon sa ating kasaysayan na may mga hinahalal tayong mga lider na arrogante at diktador. Na
binobola ang mamamayan sa pamamagitan ng matatamis na pananalita. Ginagawa nila
ito para sila ay tumagal at ito ay dahil sa kanilang pagiging
sakim sa kapangyarihan.
Sa atin pong
mabuting balita ay makikita natin ang kasakiman ng mga magsasaka. Ibinigay na
sa kanila ang lahat ng kanilang kailagan sa kanilang pagsasaka. Ngunit ng
dumating ang anihan ay hindi nila ibinigay ang nararapat na para sa may ari ng
ubasan. Bagkus ay pinatay nilang lahat ang mga isinugo niya kahit na ang kanyang
anak ay kanila ring pinatay. Ano ba ang nangyari sa mga sakim na mga magsasaka?
Sila ay namatay at ang lupaing na kanilang sinasaka ay ibinigay sa mga
magsasaka na hindi sakim.
Ang atin pong
pagiging sakim sa mga bagay ng mundong ito. Katulad ng pera, kapangyarihan,
sex, material na bagay at marami pang iba ay mag papahamak lamang sa atin.
Tingnan nalang po
natin ang kasaysayan ng ating mundo kung saan ay maraming diktador na mga
lider. Ang pinatalsik sa kapangyarihan ng taong bayan dahil sa kanilang
kasakiman sa kapangyarihan.
Dapat po ay matuto
tayong magbahagi, dapat hindi tayo corrupt at hindi tayo sakim sa mga bagay ng
mundo. Ito ay sa dahilan na tayo ay pawang mga magsasaka lamang dito sa mundo.
Pag dating po ng
panahon na tayo lumisan na dito sa mundo tayo po ay tatanugin ng Panginoong
Diyos: Ikaw ba ay nagbahagi ng iyong yaman? Hindi kaba naging corrupt at sakim
sa mga pansamantalang bagay ng mundong ito? – Marino J. Dasmarinas