Mabuting
Balita: Juan 19:25-34
25 Nangakatayo
naman sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng
kanyang ina, si Maria ni Cleofas at si Maria Magdalena. 26 Kaya pagkakita
ni Jesus sa ina at sa alagad na mahal niya na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa
Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” 27 pagkatapos ay sinabi naman niya sa
alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyon, tinanggap siya ng
alagad sa kanyang tahanan.
28 Pagkaraan
nito, alam ni Jesus na ngayo’y natupad na ang lahat. Ngunit kailangang maganap
ang Kasulatan, at sinabi niya: “Nauuhaw ako!” 29 May sisidlan doon na puno
ng maasim na alak. Kaya ikinabit nila sa isopo ang isang esponghang ibinabad sa
alak at idiniit sa kanyang bibig. 30 Pagkasipsip ni Jesus ng alak, sinabi
niya: “Natupad na!” At pagkayuko ng ulo’y ibinigay ang espiritu.
Sinibat ang
kanyang tagiliran, at may umagos na dugo at tubig • 31 Dahil
paghahanda noon, ayaw ng mga Judio na mamalagi sa krus ang mga katawan sa Araw
ng Pahinga sapagkat dakilang araw ang Araw na iyon ng Pahinga. At ipinakiusap
nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin.
32 Kaya
pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at ng isa pang
kasama niyang ipinako sa krus. 33 Ngunit pagsapit nila kay Jesus, nakita
nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti.
34 Gayunma’y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran, at
biglang may umagos na dugo at tubig.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.