Monday, May 25, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 26, Martes; San Felipe Neri, pari: Juan 17:1-11a

Mabuting Balita: Juan 17:1-11a
Tumingala si Jesus sa langit at nagsabi: “Ama, sumapit na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak upang maluwalhati ka ng Anak 2 dahil ibinigay mo sa kanya ang kapangyarihan sa bawat tao upang bigyan niya ng buhay magpa­kai­lanman ang lahat ng bigay mo sa kanya. 3 Ito naman ang buhay magpa­kailanman: ang makilala ka, ang tanging totoong Diyos at si Jesu­cristong sinugo mo.

4 Niluwalhati kita sa lupa, ginanap ko ang gawang bigay mo sa akin para tra­ba­huhin. 5 At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa aking katabi ang luwalhating meron ako sa tabi mo bago pa man nagkaroon ng mundo. 6 Ipinahayag ko ang pangalan mo sa mga taong kinuha mo sa mundo at ibinigay sa akin. Iyo sila at sa akin mo sila ibinigay, at tinupad nila ang iyong salita. 7 Ngayon, nakilala na nila na sa iyo galing ang lahat ng ibinigay mo sa akin. 8 Totoo, ibinigay ko sa kanila ang mga pana­nalitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila at kinilalang totoong sa iyo ako galing at naniwala sila na ikaw ang nagsugo sa akin.

9 Sila ang ipinapakiusap ko. Hindi ang mundo ang ipinapakiusap ko kundi ang mga ibinigay mo sa akin dahil iyo sila. 10 Iyo ang lahat sa akin, at akin naman ang iyo, at naluwalhati ako sa kanila. 11 Wala na ako sa mundo ngunit nasa mundo pa sila habang pa­punta ako sa iyo. Amang banal, inga­tan mo sila sa iyong Pangalang ibinigay mo sa akin upang maging isa sila gaya natin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: