Nang dumating si Hesus sa Nazaret,
sinabi niya sa mga nasa sinagoga: “Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala
sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa
Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao’t
kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain.
Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.”
Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.
No comments:
Post a Comment