Noong
panahong iyon, si Jesus ay nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga
alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga, nagtaka ang
maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, "Saan niya nakuha ang lahat ng
iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng
mga kababalaghan?
Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago,Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?" At siya'y ayaw nilang kilanlin. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propeta'y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay."
Hindi
siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang
kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat
hindi sila sumampalataya. At nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid upang
magturo.
No comments:
Post a Comment