LET US PRAY FOR THE HEALING OF POPE FRANCIS.

Sunday, February 09, 2025

Ang Mabuting Balita Lunes Pebrero 10 Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga: Marcos 6:53-56


Mabuting Balita: Marcos 6:53-56
Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay tumawid ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay isinadsad nila ang bangka. Paglunsad nila, nakilala agad sila ng mga tao. Kaya't nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga may sakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Jesus, saanman nila mabalitaang naroon siya. 

At saanman siya dumating maging sa nayon, lunsod, o kabukiran ay dinadala sa liwasan ang mga may sakit at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuotan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling. 

No comments: