Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni
Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng
lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa
burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka,
samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan.
Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila.
Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip.
No comments:
Post a Comment