Noong panahong iyon, nag-aayuno ang
mga alagad ni Juan Bautista at mga Pariseo. May lumapit kay Jesus at nagtanong,
"Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng
mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo'y hindi?"
Sumagot si Jesus,
"Makapag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama nila ang
lalaking ikinasal? Hindi! Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila
mag-aayuno.
"Walang
nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuutan; pag urong ng bagong kayo,
mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin namang nagsisilid ng
bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapwa masasayang ang alak at ang
sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang-balat!"
No comments:
Post a Comment