“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!
Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan, at nagpadala
siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na
kanyang lingkod. Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta
noong una, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng
napopoot sa atin. Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang at
aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
Iyan ang sumpang binitawan niya sa ating amang si Abraham, na
ililigtas tayo sa ating mga kaaway, upang walang takot na makasamba sa kanya,
at maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay. Ikaw
naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; sapagkat mauuna ka sa
Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan, at ituro sa kanyang bayan ang
landas ng kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Sapagkat
lubhang mahabagin ang ating Diyos; magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng
kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng
kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.”
No comments:
Post a Comment