Nang ikawalong araw, dumalo sila sa
pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipapangalan sa kanya -- gaya ng kanyang
ama -- ngunit sinabi ng kanyang ina, "Hindi! Juan ang ipangangalan sa
kanya." Subalit wala ni isa man sa inyong kamag-anak ang may ganyang
pangalan," wika nila.
Kaya't hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: "Juan ang kanyang pangalan." At namangha silang lahat. Pagdaka'y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang kanilang kapitbahay, anupa't naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: "Magiging ano nga kaya ang batang ito?" Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.
No comments:
Post a Comment