"Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya.
"Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong
pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya't
sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat
kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang
lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.
Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan.
Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David.
Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay
walang hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?"
tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at
lililiman ka ng kanyang kapangyarihan ng Kataas-taasan.
Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao -- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos." Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.
No comments:
Post a Comment