Monday, December 02, 2024

Ang Mabuting Balita Disyembre 2, Lunes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 8:5-11


Mabuting Balita: Mateo 8:5-11
Noong panahong iyon, pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: "Ginoo, ang alipin ko po'y naparalisis. Siya'y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan." "Paroroon ako at pagagalingin siya," sabi ni Jesus. 

Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako'y nasa ilalim ng nakatataas na pinuno, at ako man ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, 'Humayo ka!' siya'y humahayo; at sa iba, 'Halika!' siya'y lumalapit; at sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' at ginagawa niya." 

Namangha si Jesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit."

No comments: