Mabuting Balita: Mateo 1:1-17
Ang simula ng Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay San Mateo.
Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula
naman sa lahi ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni
Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay
Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni
Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman
ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni
Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.
Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si
Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang
ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya
namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz
ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni
Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga
kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.
Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Joconias si
Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim,
at si Eliaquim ang ama ni Azor. si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong
si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni
Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria
naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.
Samaktwid, labing-apat ang salin-lahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia, at labing-apat din mula sa pagkakatapon sa Babilonia hanggang kay Kristo.
No comments:
Post a Comment