Noong panahong iyon, sa paglalakad ni
Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si
Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila’y naghahagis
ng lambat.
Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo
sa akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila
ang kanilang mga lambat at sumunod kay Hesus.
Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka, kasama ang kanilang ama, at naghahayuma ng lambat. Tinawag din sila ni Hesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
No comments:
Post a Comment