Noong panahong iyon, sinabi rin ni
Jesus sa kanyang mga alagad, "May isang mayaman na may isang katiwala.
Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya't ipinatawag
niya at tinanong: 'Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Isulit mo sa akin
ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na
ikaw ang katiwala ko.'
Nawika ng katiwala sa sarili, 'Aalisin na ako ng aking panginoon
sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa,
nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man
ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.'
Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang
panginoon. Tinanong niya ang una. 'Gaano ang utang mo sa aking panginoon?'
Sumagot ito, 'Sandaang tapayang langis po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka't gawin mong limampu.' sabi ng katiwala.
At tinanong naman niya ang isa, 'Ikaw gaano ang utang mo?'
No comments:
Post a Comment