Wednesday, November 06, 2024

Ang Mabuting Balita Nobyembre 7, Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 15:1-10


Mabuting Balita: Lucas 15:1-10
Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Jesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, "Ang taong ito'y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila." 

Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: "Kung sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na'y masaya niyang papasanin ito. 

Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!' Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi." 

"O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. 

sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawawala kong salaping pilak!' sinasabi ko sa inyo, gayon din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang kasalanan."

No comments: