Ang
sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring
maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba
uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang
salaping maipagpapatapos niyon?
O
sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang
mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may
dalawampunlibong tauhan?
At kung
hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng kinatawan upang
makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman,
kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay."
No comments:
Post a Comment