Noong panahong iyon, nang malapit na
siya sa Jerusalem at matanaw niya ang lunsod, ito'y kanyang tinangisan. Sinabi
niya, "Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot
sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin.
Sapagkat darating ang araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato'y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka."
No comments:
Post a Comment