Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig
din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun,
sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng
matitirhan.
Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."
No comments:
Post a Comment