Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa
kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at
mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang
sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas
ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang
ito.
Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni
Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na
makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon,
kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
“Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa
kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin
siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga
sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw. “Ang hindi
panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa kaing
mag-ipon.
“Kapag
lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito’y gumagala sa mga
tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay
sasabihin nito sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’
Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas
siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at
papasok sila at maninirahan doon. Kaya’t sumasama kaysa dati ang kalagayan ng
taong iyon.”
No comments:
Post a Comment