Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat.
Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa
daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin
muna ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!' Kung maibigin sa
kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito.
Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo -- sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon, at sabihin sa bayan, 'Nalalapit na ang pagahahari ng Diyos sa inyo.'
No comments:
Post a Comment