Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit -- anuman ang karamdaman
-- ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Jesus. Ipinatong niya ang kanyang mga
kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila.
Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabay sigaw, "Ikaw ang
Anak ng Diyos!" Ngunit sinaway sila ni Jesus at hindi pinahintulutang
magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias.
Nang mag-uumaga na, umalis si Jesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, "Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin." At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.
No comments:
Post a Comment