Noong panahong iyon, sinabi ng
Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad
nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga
kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan
kami, ngunit hindi kayo tumangis!
Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom
ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang
Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan
ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng
mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid
sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”
No comments:
Post a Comment