Noong
panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa
kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa
pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng
isang babaing balo.
Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.” Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!” Naupo ito at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina.
Sinidlan
ng takot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang
isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa
buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya.
No comments:
Post a Comment