Noong sandaling iyon, lumapit kay
Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng
langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi,
“Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata,
hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.
Ang
sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga
pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil
sa akin ay ako ang tinatanggap. “Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa
maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay
laging nasa harapan ng aking Ama.”
No comments:
Post a Comment