Nang
nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta
sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok
sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang
tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem.
Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.
No comments:
Post a Comment