Isang
araw, samantalang nananalanging mag-isa si Jesus, lumapit sa kanya ang kanyang
mga alagad. Tinanong niya sila, "Sino raw ako ayon sa mga tao?"
Sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng
iba, si Elias kayo, at may nagsasabi pang nabuhay ang isa sa mga propeta noong
una." "Kayo naman, ano ang sabi ninyo?" tanong niya sa kanila.
"Ang Mesias ng Diyos!" sagot ni Pedro.
Itinagubilin
ni Jesus sa kanyang mga alagad na huwag na nilang sasabihin ito kaninuman. At
sinabi pa niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao'y dapat magbata ng maraming
hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga
eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling
mabubuhay."
No comments:
Post a Comment