Noong panahong iyon, nagtipun-tipon
ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At
isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang
subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”
Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”
No comments:
Post a Comment