Sunday, August 18, 2024

Ang Mabuting Balita: Agosto 19, Lunes sa Ika-20 na Linggo sa ng Karaniwang Panahon: Mateo 19:16-22


Mabuting Balita: Mateo 19:16-22
Noong panahong iyon, may isang lalaking lumapit kay Hesus at nagtanong, "Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?" Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos." 

"Alin-alin po?" tanong niya. Sumagot si Jesus, "Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa, gaya nang pag-ibig mo sa iyong sarili." 

Sinabi ng binata, "Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?" "Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin." sagot ni Jesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya'y napakayaman.

No comments: