Sunday, August 11, 2024

Ang Mabuting Balita: Agosto 12, Lunes sa Ika-19 na Linggo sa ng Karaniwang Panahon: Mateo 17:22-27


Mabuting Balita: Mateo 17:22-27
Noong panahong iyon, nang nagkakatipon sa Galilea, ang mga alagad, sinabi sa kanila ni Jesus, "Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw," At sila'y lubhang nagdalamhati. Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo. Tinanong siya, "Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong Guro?" "Opo," sagot ni Pedro.  

At nang dumating siya sa bahay, tinanong na agad siya ni Jesus: "Ano ba ang palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad sa lisensiya o buwis ang mga hari sa lupa? Sa mga mamamayan ba o mga dayuhan?"  

"Sa mga dayuhan po," tugon niya. sinabi ni Jesus, "Kung gayon, hindi pinagbabayad ang mga mamamayan. Gayunaman, para wala silang masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil. Kunin mo ang unang isdang mahuhuli. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita kang isang salaping pilak. Kunin mo ito at ibayad mo sa buwis nating dalawa."

No comments: