Mabuting Balita: Mateo 13:47-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa mga tao, "Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking
lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay
hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukurin ang mga
isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinatapon ang mga
walang kwenta.
Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga
anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga
makasalanan sa maningas na pugon. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang
kanilang ngipin."
"Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?" tanong ni
Jesus. "Opo," sagot nila. At sinabi niya sa kanila, "Kaya, nga
ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng
sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan."
Nang
masabi na ni Hesus ang mga talinghagang ito, siya’y umalis doon.
No comments:
Post a Comment