Ito ang tugon ni Hesus, “Ang Anak ng Tao ang naghahasik ng
mabuting binhi. Ang bukid ay ang sanlibutan. Ang mga taong pinaghaharian ng
Diyos ang mabuting binhi at ang mga taong pinaghaharian ng diyablo ang
masasamang damo. Ang kaaway na naghasik ng mga iyon ay walang iba kundi ang
diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng daigdig, at ang mga anghel ang mga
tagapag-ani.
Kung
paanong iniipon ang mga damo at sinusunog, gayun din ang mangyayari sa
katapusan ng daigdig. Susuguin ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at
iipunin nila mula sa kanyang pinaghaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng
pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama, at ihahagis sa maningas na
pugon.
Doo’y
mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin. At magliliwanag na parang
araw ang mga matuwid sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may pandinig ay makinig!”
No comments:
Post a Comment