Mabuting Balita: Mateo 13:24-30
Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga
tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng
mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao,
dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan.
Nang
tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit
ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting
binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot
siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’
Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”
No comments:
Post a Comment